Luma - Gloc-9

Luma - Gloc-9

Год
2021
Язык
`Tagalogu`
Длительность
376730

Zemāk ir dziesmas vārdi Luma , izpildītājs - Gloc-9 ar tulkojumu

Dziesmas vārdi " Luma "

Oriģinālteksts ar tulkojumu

Luma

Gloc-9

Minsan mas mahal pa ang luma

Mas nilalapitan ang mura

Huwag na huwag kang magpapahadlang

Na makamit ang nais mong makuha

Nandito nanaman ako

Bitbit ang bagong sulat ko

Ibabahagi sainyo

Saglit po lang naman ito

Ikaw ba ay nalulumbay

At tila di makasabay

Sa agos na tumatangay

Gamitin mo akong tulay

Simula nang piliin ko ang landas na dapat tahakin ay kailanma’y 'di na’ko

bumalik

Naiwanan man ng iba na 'di ko akalain ay medyo mahangin

Sa paanan ay dapat humalik

Di ko kaya

Ni minsan ay hindi ko dinaya

Marunong akong magpaubaya

Kung hindi mo pa talaga oras

Initin nalang ang sopas

At bilangin mo ang lahat ng biyaya

Makukuha mo rin ang sa’yo

Ang sa’yo ay sa’yo

Kahit na ano pa man

Ihanda mo na ang pang salo

May manggulo mang sanggano

Kahit na sino pa 'yan

Tandaan mo ang lahat ng aking sinabi

Hawakan palagi

Dahil ito ang siyang mag tatawid sa’yo

Kahit na maputukan ka ng labi

Basta lumagari

Talasan ang tari

Tuwing maririnig mo 'to

Ang bago ni Gloc

Minsan mas mahal pa ang luma

Mas nilalapitan ang mura

Huwag na huwag kang magpapahadlang

Na makamit ang nais mong makuha

Minsan mas mahal pa ang luma

Mas nilalapitan ang mura

Huwag na huwag kang magpapahadlang

Na makamit ang nais mong makuha

Wala naman masama sa maging mahusay

Maipakita mo na ikaw ang may taglay

Sa huli ang isang mahalagang tanong ay

Alam mo ba kung ano ang tunay na tagumpay

Hayaan mo na pabaunan kita ng ilang pirasong tinapay bago ka pa man umalis

'Di ito usapan kung sinong pinakamabilis

Kung may maka lamang sa’yo 'di ka dapat mainis

Bagkos ay ikatuwa mo

Gamitin mo upang ang baso moy malagyan ng laman

Kunin mo sa mga may duda sa’yong kakayahan

Bumangon ka diyan upang 'di tuluyang madaganan

Para pawisan kailangan mong kumilos

Kasi sa panahon ngayon bihira nang puro bigay

Bakit tayo tinitipos

Kapag nauutusan natin ang mga nanonood na mag-ingay

Palakpakan at sigawan

Ang tangan na yaman ng mga tulad nating makata

Tama na ang yabang hip-hopang

Hidwaan putik lang ang siyang mapipiga

Sinong matiyaga

Naiinip na maghintay

Pagod na sa paghuhukay

Kung ang hakbang mo ay ngalay

Gamitin mo akong saklay

Minsan mas mahal pa ang luma

Mas nilalapitan ang mura

Huwag na huwag kang magpapahadlang

Na makamit ang nais mong makuha

Minsan mas mahal pa ang luma

Mas nilalapitan ang mura

Huwag na huwag kang magpapahadlang

Na makamit ang nais mong makuha

Akala mo tapos na

Mga tuhod ay ngalos na

Sa mainit na baga tinusta

Kanino pumusta

Sinong kasama sa nilista

Mga di naniwala kumusta

Di mo ba alam

Hanggang diyan ka lang

Ang laging laman

Ng mga salita na pinalaman

Anong tinatayo mo diyan

Sige kalagan

Dapat palaban

Nakahanda ka dapat na halikan

Kahit sa mga makamandag ay lumapit

Mataas mang sipatin ay abutin mong bigla

Hindi masamang sumabit

Dito ka sa kaliwa man o sa kanan

Puwede rin sa gitna

Ganyan lang ang buhay

Ang mahusay humandusay ang mga napagbibigyan

Tumayo kahit sumuray

Ang dugo ay siyang patunay

Mo na pag ibig 'yan

Hindi na kailangan na patunayan

Balewala 'yan

Kung 'di kinaya

May pagkakataon pa naman

Kahit na ikaw ay mapilayan

Ang 'yong kalagayan

Ay nakasalalay

Saan mo pinatong ang pinggan

Para meron ka pang magamit

Kung galit man ang langit

Di ka mabasa ng ulan

Ginawin ka sa gabi na malamig

Wala nang nakakaring

Sigaw mo ng pagkagipit

Palagi kang pinapagtaksilan

Sino tandaan mo lang

Minsan mas mahal pa ang luma

Mas nilalapitan ang mura

Huwag na huwag kang magpapahadlang

Na makamit ang nais mong makuha

Minsan mas mahal pa ang luma

Mas nilalapitan ang mura

Huwag na huwag kang magpapahadlang

Na makamit ang nais mong makuha

Minsan mas mahal pa ang luma

Mas nilalapitan ang mura

Huwag na huwag kang magpapahadlang

Na makamit ang nais mong makuha

Minsan mas mahal pa ang luma

Mas nilalapitan ang mura

Huwag na huwag kang magpapahadlang

Na makamit ang nais mong makuha

Vairāk nekā 2 miljoni dziesmu tekstu

Dziesmas dažādās valodās

Tulkojumu pakalpojumi

Augstas kvalitātes tulkojumi visās valodās

Ātrā meklēšana

Atrodiet nepieciešamos tekstus dažu sekunžu laikā